Home >> Artists starting with D >> Dello Lyrics >> Sana 'Di Na Lang

Dello - Sana 'Di Na Lang Lyrics

(1st stanza)
Ayoko ng isipin, ayoko ng sapitin
Ako na 'yong alipin at ayoko ng pilitin
Pa sayo, dapat kong ituloy na ang paglayo.
Biktima nitong tadhana natin na mapaglaro.
Dahil kung titignan sa titig lang para bang nabibiglang
Naiwan tulala ng dahil lamang sa pagibig lang...
Di na mapagbibigyan at yon ang masakit,
Sana ay hindi nalang pala sayo napalapit

Sa napiling mahalin ay bakit ba sayo pa nga ba?
At ang Dellong mainipin pagdating sayo mahaba
Ang pasensya at nagti-tiyagang nag aabang kahit ilang
Kahit ilang beses ng pinagmumukhang tanga't hibang nagbibilang
Ng aking pagkakataon, pero bat nagkaganon
Mahal kita, mahal mo sya, nagtataka't nagtatanong
Kung bakit ka naging tanga para lang maloko nya
Ako naman ang mas tanga dahil kahit ayoko na

Nagbabalik parin at ako sayo'y palagi
Pero di ka naman sakin kailanman di maaari
Sakin ikaw ang reyna, di naman ako ang hari.
Kung alam ko lang nung una sana di na 'to nangyari...
Di na sana naganap, ako na sana'y naghanap
Ng ibang dapat ibigin di na sana ako hirap,
Sa kalagayan ko ngayon kung nalaman ko noon
Na maiinlab pala ko kaagad sa isang iglap...
... sana di nalang...

(Chorus)
Di na sana kita nakilala, di na sana ako lumapit...
Di na sana kita nakilala, di na sana ako nagdurusa ng
Dahil lang sayo...

(2nd stanza)
Sana nung umpisa hindi na tayo nagtabi
Kaya ngayon ay alanganin napaibig mo kasi
At naging kabado na ko kahit di pa nagkape
Umaasta na ayos kahit na hindi naman kami...

Sana di ka napayuhan tungkol sa mga Ex
Sana wala akong cellphone para di ka nakatext
Nung in-add kita sa facebook sana di mo in-accept
Ngayon sarili ko bakit ba hindi ko masagip...

Sana di na umalalay sayo sa pagtawid
Pagpunta mo sa Cavite, sana di na naghatid
At ang aking nahawakan sana di sayong kamay
Kaya ako'y nahihirapan pagkat di ngayon sanay

Na wala ka sa tabi, parang wala sa katinuan
Sana di na uminom para di ka nakainuman
Sana di na naglasing para di naging praning
Na kahit magpakasabog sitwasyon ganun parin...

Na ako'y isang alalay na laging nakasunod
Na kahit ka pa nakalugay o kahit nakapusod...
Maganda ka parin sa paningin at palihim nakatingin
Sayo mula umaga, tanghali, hanggang sa gabihin...

Mahirap na tong gawin kahit na ipikit
Ang mga mata. bakit ba ang puso ang kulit
Kahit nadama ulit sa damdamin ang pait
Sana di ka minahal dahil ang sakit...
(Repeat chorus 2x)

Bakit may isang ikaw na hindi pwedeng maging sakin
Bakit ang mga gabi ay hindi pwedeng maging satin
Kung pwede lang na ang nadarama 'toy palipatin
Maisalin ko sa iba, ayaw bang marapatin

Ang pag kakataon, bakit pa ngayon pa lumitaw
Kung kailan di na pwede at kailangan ko ng bumitaw
Sa pag-asa ng pagibig na hapdi ang dinala
Kasi mahal kita ng sobra... sana di nalang pala...
Correct these Lyrics
download txt

Most Searched
Dello Lyrics

 Sweetslyrics Charts

Sweetslyrics Poll
Do you think Kill Paradise is